ANG GANTI.

May 29th, 2012 § Leave a Comment

“Macky! Macky Mendez!”

“Po?”

“Individual ba yung course mo?”

“Yes.”

“For ilang sessions?”

“15 sana.”

“Uhm.. gusto mo ba ng personal trainer?”

“Kung ikaw sana…”  bulong niya. Pero narinig ko. First meeting palang naaamoy kong miyembro siya ng mga taong may tagline na “landian lang. Nothing personal. This is business!” Eh, ikinabubuhay eh!

“Ako nga.”  

Nagulat siya sa sagot ko. At namula. Kyut ah. kaya pala na-inlababo ng todo ang bespren kong hilaw dito eh.

“May extra fee po ba?”

“Ah, wag mo alalahanin yun. Para sayo, libre.” sabay ngumiti ako. Ngumiti din siya. Nag-ngitian kami. Kung pelikula lang siguro ‘to, may background music na kami.

Sinabi ko na sa mga kasamahan ko na ako na ang bahala sa bagong enrollee. Nagulat sila. Hindi naman kasi ako nagtuturo ng one on one.

“Kakilala mo?”

“Ah, oo. Kaibigan siya nung kapitbahay ng katulong ng kapitbahay ng pinsan ng pinsan ni Agnes.”

“Leche ka! Ang sarap mo talagang kausap kahit kailan!” sabi ni Valerie.

Pero hindi ko na siya pinansin dahil kausap ko na si Janine at Natalie.

Girls? Tama ba ‘tong gagawin ko?

“Karen, baka nabibigla ka lang. Past is past na diba. Malay ba natin..”

Sa tingin mo, Janine, nakalimutan na kaya niya? Eh ikaw, Natalie?

“You know, ma sista, sometimes we do the wrong things for the right reasons. Kaya fight for what you think is right! You know naman how much we love si bestfriend Agnes.”

“Ikaw talaga, Natalie. Pero may point ka dun. Pero hindi eh. Masama ang revenge. Baka kasi ‘pag bumalik yan, three times, five times o ten times. Pagdasal nalang natin si Macky. Si Lord na ang bahala sa kanya.” pilit ni Janine.

Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa!

“Very true.” pag sang-ayon ni Natalie.

Sa pagkakataong ito, nilapitan ko na ulit si Macky.

“Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. I’m Karen Pineda. Co-owner ako dito sa BFAB.”

“Wow! Big time pala ang kausap ko ngayon! Tapos magiging personal trainer ko pa! Grabe, ang swerte ko naman!”

“So mag-usap nalang tayo ng schedule natin. Mag-iwan ka nalang ng contact number dun sa desk, tapos I’ll get back on you. Aalis na kasi ako eh. May klase kasi ako ngayon.” 

Umiling siya. Kumuha ng ballpen at ng sticky note na galing sa bag niya. At nagsimulang mag-sulat. Wow, ready ah. Napaghahalataang maraming textmate. “Ito oh.” dinikit niya sa braso ko. “Itext mo ako ha.” sabay kumindat. Aba, dumadamoves ah!

“Ha-ha. Sige, una na ko. Bye!” at tumalikod ako sa kanya.

Nasa labas na ako ng BFAB ng may narinig kong tumatawag sa pangalan ko na parang hinihingal.

“Ma’am karen! Ma’am karen!” at napalingon ako. Aba, si mokong!

“Ma’am karen, ingat po kayo.” 

“Ay ang taray! Salamat! Ikaw rin!” at nginitian ko siya. Mukhang interesado siya sakin. Very good yan. Mas mapapadali ang plano ko.

Habang nasa taxi papunta sa eskwelahang pinapasukan ko ay kuntodo isip ako. Sasabihin ko ba kay Agnes na matutupad na ang pangako ko sa kanya? O secret muna hangga’t hindi pa nagsisimula? Baka kasi pigilan niya ko katulad ng ginagawa ni Janine.

“Kasi eh! Mali talaga, Karen. Totoo ang karma! Nakakatakot kaya!”

Pero Janine, para kay Agnes ‘to.

“What’s your plan ba, sis?”

Gusto kong iparamdam sa kanya yung pinaramdam niya kay bespren. I want him to suffer like she did. Better kung mas masahol pa. I’ll make him fall in love with me, then bigla ko siyang iiwan sa ere. Tulad ng ginawa niya kay Agnes. Will it work? What do you think, Nat?

“Mali, mali, mali!”

Hindi ikaw ang kausap ko Janine! Sige ka, isang banat mo pa, hindi na kita papayagang panuorin si Katerina! Sabay kumanta nalang siya ng theme song ng paborito niyang teleserye.

“I think it will. Ikaw pa! You’re like, so galing kaya pagdating sa ganyan!”

SANA NGA.

Bato bato sa langit, ang tamaan, lintik lang ang walang ganti!

Hoy karen, linya ko yan ah.

Ay sorry po, madam writer. Pa-share, please. Like na like ko eh!

ANG BAGONG STUDENT.

May 28th, 2012 § 2 Comments

Tulad ng nakasanayan, ako parin ang nakatoka sa mga enrollees ng BFAB. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi kailan man nabakante ang registration namin. Lista dito, lista doon. Lista dito, lista doon. Infairness ha, nakakapagod magsulat. Pag ako talaga yumaman, papa-fingerprint activate ko ‘tong studio namin. Yung tipong pag mage-enroll, mags-scan ka lang ng daliri tapos down or full payment sa katabing kahera. Pero matagal pa ‘yun. Wag muna tayong umasa.

Anyway, kasabay ng pag-aasikaso ko sa mga bagong estudyante ay ang pagku-kwento ni Janine sa experience niya sa first day niya sa trabaho sa isang sikat na coffee shop sa may Malate. (clue: ito yung coffee shop na madalas ay maraming customer na may laptop o pocket book. Kaya minsa’y nagmimistulan itong internet cafe o bookstore. Madalas din itong tambayan ng mga social climber na nanghihingi nalang ng hot water sabay labas ng nabili nilang tig-limang pisong 3-in-1 coffee sa malapit na sari-sari store. Minsan nama’y  pagpe-pyestahan lahat ng libre, libreng cream, libreng sugar, maski toothpick.) First day na first day palang daw naireklamo na siya ng isang customer. Pano ba naman kasi, may social climber daw na jejemon na umorder ng “karamel matsiyato with konting sugar saka rapberi trupol cake pop” sabay tanong, “ano yung rapberi? masarap ba yun? ano yung selling of best niyo dito? ay hindi palitan my order, gusto ko ng farpeyt yung yogart.” 

Tapos sabi niya daw, “would that be all, ma’am?”

“ano yun?”

“okay na po ba order niyo? yun lang po?”

“Ah, yes yes. dat’s all, tenkyu.”

“okay, name nalang po.”

“Donnabelle.”

Sinulat niya sa pagkakaalam niya ng usual spelling ng “donnabelle.”

“hey! hey! you are wrong spelling! palitan mo yan!”

“ay sorry po, ano po bang spell?” sabay binura niya ng bahagya.

“gusto ko ng bagong baso!” 

“Ay sorry po, ma’am. Bawal po yun. Nasa policy po. Sabihin niyo nalang po yung spelling, aayusin ko nalang po yung sulat.”

“no, no, no, no way! call the manager! call their!” 

First day sa trabaho, nasabon daw agad siya. Sinubukan niya daw pero paulit-ulit na sinabi ng manager na, the customer is always right. “Hay naku! Kaloka ever! Dapat nga tatawagin kita, Karen, para talakan mo yung boss ko pero—”

Hindi ko na narinig si Janine. Dahil naka-pokus ako dito sa pangalan ng sumunod na enrollee. Tinitigan kong mabuti. Para siyang pangalan ng manloloko. Yung tipong kapag naging jowawis mo, at nag-break kayo, wala ka nang kakainin sa buhay mo kundi ampalaya. May nagsusumigaw sa loob loob ko na parang kilala ko siya, pero hindi ko matandaan. Sa dami ba naman ng pangalang nakasalamuha ko ngayong araw, eh tulirong tuliro na ko. Sa mga oras na ito ng kaguluhan, una kong hinihingi ang tulong ng mga alter ko. At kung wala akong mahita sa kanila ay kukunsultahin ko si Agnes.

“Ateng, may kilala ka bang… wait, ano ngang pangalan ng ex-lover mo?”

“Macky teh. Macky Mendez. Bakit?”

“Ah, wala lang. Nasaan ka?”

“May klase ako eh. Bakit?”

“Wala. I miss you lang! Ingat!”

“Uutang ka? Wala akong pera eh. Sa katapusan ng buwan.”

“Talaga?”

“Hindi, joke lang. Alam mo naman na nag-iipon ako para sa future namin ni Mr. Right.”

“Eh kung sampalin kaya kita para matauhan ka?!”

“Tse! Loveless forever!”

“Tigilan ako. Sige na. Busy ako! Babuu!”

“Ingat!”

This is such a small world. Co-incidence ba ‘to? O itinadhana talaga na magkita na kami sa wakas? May mga bagay talaga na dumadating sa hindi inaasahang panahon. At ito na ‘yon. Dumating na ang panahong matagal ko nang hinihintay. 

SI AGNES.

May 16th, 2012 § Leave a Comment

Maliban sa nanay ko at mga kapatid, may isang tao pang nakakaalam ng sikreto ko. Ang nag-iisang taong pumapatol sa kabaliwan ko at ng mga alter ko. Ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ko nang sagad sa buto at napagsasabihan ng kung anu-ano. Ang nag-iisang taong nakakaalam ng saktong bilang ng nunal ko sa buong katawan. At ang nag-iisang taong lumelevel sa madir ko, in other words, pinagkakautangan ko ng buhay.

SIYA SI AGNES. 

Best friend ko. Kasabwat sa lahat ng bagay. At uulitin ko, ang nagligtas ng aking buhay. Tatlong taon na ang nakalilipas, bangag akong umuwi mula sa school hanggang sa bahay. Pakiramdam ko ang dilim dilim ng daan kahit alas-singko palang ng hapon ‘yon. (o baka daylight saving time) Naglalakad lang ako ng marahan na parang hindi sigurado sa bawat hakbang na ginagawa ko. Nahihilo ako’t wala sa sarili. Hindi ko rin sigurado kung si Karen ako ‘non, o si Janine, o si Natalie. Umiikot ang paningin ko’t di namalayan kung nasaan na ako. Nang biglang may sumigaw, “Miss! Layo! Alis ka dyan! Miss!”  The next thing I know, nasa ospital na ako. Hindi para sa akin, kundi para dun sa babaeng nakasagip sa akin. Siya ang nahulugan ng hollow blocks at butil-butil na bato, buti nga sa paa lang at hindi sa ulo. Kwento niya, mukha daw akong tangang naglalakad. Parang adik na kakatira lang ng shabu. Tapos yung construction worker, isa pa din daw tanga! Buti nga daw at nakita niya ako agad. Kundi baka pinaglalamayan na ako nung mga panahong yun.

“Uy wag naman! Marami pa kong pangarap sa buhay. Uy thank you talaga ha. Utang ko sayo ang buhay ko.” sabay tumingala ako, “thank you Lord.”  matapos ay napabaling ulit ako sa kanya, “Sorry sa nangyari sa paa mo ha.. Buti nakatawag agad ako ng tulong.”

“Okay lang.” sagot niya. “Minor lang naman ‘to. Jusko! Parang kagat lang ng langgam!”

“Kagat ng langgam?!” nagulat ako.

“Oo. Mga isang kolonya. Kasama ang hari at reyna. Ang sakit. Impernes.” 

At nagkatawanan. Sabay napasabi ako, “she is the one!” 

Siya yung tipo ng tao na naiisip ko palang, sinasabi o ginagawa na niya. Pakiramdam ko nga magkadugtong ang mga utak namin eh. Minsan rin, naghinala na akong baka conjoined twins kami na pinaghiwalay ng tadhana. Pero malabo, mas maganda ako.

Hindi katulad kong namimili ng kaibigan, siya, kaya niyang pakisamahan lahat ng uri ng tao. Bata, matanda, may ngipin man o wala. Bakla, tomboy, butiki, baboy. Mga taga-labas at loob ng mandaluyong pati na rin ang mga 2 years old and below. Kaya niya kasing bagu-baguhin ang personality niya. Pinaghinalaan ko siyang may multiple din, ilang beses ko tinanong, kaso pramis, wala daw talaga.

Kung seryoso ang kausap niya, seryoso sa seryoso din siya. Kung may sayad, pinapatulan niya rin. Kung bakla naman, marami siyang gay linggong naka-stock sa baul. At hinding hindi siya uurong sa mga conyo! (kaya minsan nagseselos ako at nadadama kong mas mag-best friends na sila ni Natalie. Pero maiisip ko, ako din pala yun.) Aba, consecutive best in English siya simula Prep!

Kapag kami naman ang magkausap, minsan hindi na namin kailangan magsalita. Tinginan, ngitian, taas ng kilay, ngiwi ng nguso, kabisado na namin ang mga ganyan ganyan ng isa’t isa. Pero sa mga pagkakataong kailangan na talaga naming ibuka ang aming mga bibig, 100% purong sarcasm ang lalabas.

“Gusto kong sumikat. Gusto kong tingalain ng mga tao.”

“Edi umakyat ka sa rooftop ng pinakamataas na building sa Metro Manila at umarteng tatalon!”

“Gaga! Seryoso kasi!”

Minsan naman,

“Ay nagpagupit ka?”

“Hindi, hanggang bewang yan, invisible lang.”

At nauuwi nalang lahat sa tawanan.

Pero sa likod ng napakasaya niyang personalidad ay may nakaraang pilit na niyang ibinaon sa kanyang alaala. Aniya, dito siya humugot ng lakas ng loob na naging produkto sa kung sinong tao man siya naging ngayon. Ang mapapait niyang karanasan ang nagturo sa kanya kung paano lumaban at magpakatatag sa mga pagsubok ng buhay.

Isa na dito si Macky. Ang first love niya. At ang duda ko, last na din.

“Uy wag naman! Waiting pa ako for the right man. At the right time.”

Right man, right man! Walang ganun! Matapos ba naman daw siyang pangakuan ng kung anu-ano’y bigla nalang daw siyang iniwan sa ere. Hindi nagparamdam, naglaho na parang bula. At isang araw nang tumawag ito,  hindi ito nangamusta. Kundi nagpaalam ng pormal. Nag-mukha siyang anorexic matapos noon. Humpak ang pisngi at bagsak ang katawan. Laging nakakulong sa kwarto at pinakikinggan ang mga teddy bear na nagsasabing “I love you, baby. I loooove you!” Dalawang taon din silang naglokohan at kada buwan siya binibigyan ng nagsasalitang teddy bear.

Sa awa ng Diyos, matapos ang dalawang linggo ay lumabas na ito ng kwarto. Mukhang natauhan na at nagyayayang lumabas para pumunta sa isang mall. Hindi niya akalaing makikita niya doon ang lalaking kinamumuhian niya na naka-akbay sa isang babaeng mukhang may lahi. Half german. Half german, half shepherd. Naku! Wala pa daw sa kalingkingan ng beauty niya! Kaya ang nasabi niya na, “Buti nalang. Buti nalang.” 

Hangang hanga ako sa kanya. Kaya nagbigay ako ng isang mumunting pangako man lang para kahit papaano’y masuklian ko ang pagliligtas niya sa akin. Parati kong sinasabi sa kanya, “wag ka mag-alala, ‘teh. Kapag nag-krus ang landas namin, igaganti talaga kita.” IGAGANTI KO SIYA.

TRIPLETS.

May 11th, 2012 § Leave a Comment

Paglabas ko ng school, may lumapit sakin. Lalaki. Gwapo, mestiso at matipuno ang pangangatawan. Paul daw ang pangalan niya at tuwang tuwa daw siya sakin dahil ang galing galing ko daw mag-piano.

SAY HUWAAAATTT?!

“Ha?!” nasabi ko. Hindi naman ako marun— si Janine!!

“Anong ha? Diba ikaw yung nag-perform kanina sa auditorium? Grabe, ang galing galing mo!”

“Ah, ah oo. Ako yun. Grabe, hindi naman masyado, wag ka ngang ganyan!” sabay hampas sa braso niya at sabi ng “salamat ah.” 

“Ang cute cute mo!” sabay ngumiti siya. Ang ngiting ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Ang ngiting makakapagpalaya sa sangkatauhan. Ang ngiting nagbukas ng langit at lupa at pati ng… puso ko?

“Ay, bago ko malimutan, ano nga palang name mo?”

“I’m Karen. Karen Pineda.”

“Paul Barrameda. Nice to meet you..” sabay abot ng kanang kamay na akmang makikipag-shake hands.

Teka, parang madumi ata ang kamay ko. Pinunas ko nang bahagya ang kaliwang kamay ko sa tagiliran at aksidenteng napabaling ako sa kanan. (o diba, magic yun.) At biglang..

“Sino ka po?”

“Huh? Karen? Paul! Ako si Paul diba?”

“Ah, kay Karen pala. Sige, bye!”

Dali-daling naging si Karen na ulit ako. At wirdo na ang tingin sakin nitong lalaking nasa harap ko.

“Paul? Paul Barrameda? “

“Huh?? Ah sige, Karen. Una na ako ha. Nice meeting you. Uhm, bye!”

Syet! Mukhang na-turn off agad sakin. Janine naman kasi, kapag akin, akin!

“Hala, sorry naman. Di ko din naman ginustong lumitaw kanina. At saka binanggit mo kasi yung pangalan ko, ano meron?”

“That’s right, sista. You should’ve look on your left nalang para  impressed agad si Papa Paul sayo diba? E-englishin ko siya!”

Echosera! Echosera kayong dalawa! Janine, nag-piano ka pala kanina sa auditorium? Hindi ka man lang nagsabi! At ikaw, Natalie, kaloka ka! Mamaya paduguin mo ilong non! Mas lalo akong layuan dahil di niya ako ma-understand! At wala nang tissue sa kanila!

“Ay sorry, kailangan ba magpapaalam? Wag kang highblood. Relax! Life goes on..”

“True! No, no, no, no way! He looks like sosyal naman eh, so I know he’s conyo din like me.”

Tumigil kayo dyan kung ayaw niyong ma-conyo-tan.. at wala nang nagsalita.

Gan’to ang pang-araw-araw na buhay naming tatlo. Argue ng argue. Simula paggising sa umaga, ang isa’y gustong mag-toothbrush at ang isa’y gustong jumebs. Minsan nama’y ayaw ng isa ang ulam at ang isa nama’y favorite, kaya kung titignan mo ako, para akong naghe-here comes the plane pero nagkakaproblema sa airport ng pinagmulang eroplano. Kaya sa huli ay magka-crash parin sa bibig ko. Pero yung pinakamadalas naming pag-awayan, yung muntik na akong magpatiwakal para tumahimik na sila, alam niyo kung ano? TV!

Imaginin niyo nalang kung anong feeling na sa bilis ng phasing ng channel ay minsan nagiging inglesera si Katerina at napupunta sa New York o yung bagong pelikula ni Amanda Seyfried ay nagkakaroon ng logo ng ABS-CBN. Dyuskupo! Nakakahilo! Nakakatuyo ng utak! Kaya minsan, kahit kating kati ako manuod (bilang si Karen) ng My Beloved ni Dingdong at Marian, eh itutulog ko nalang. Buti nga hindi ako katulad ng ibang may multiple personality na kapag tulog ang katawan, e pwedeng gising ang mga alter. May awa parin si Lord sa akin.

At awa parin ni Lord, hindi lang naman puro negative ang nadudulot sakin nitong dalawang nagre-reyna-reynahan sa katawan ko, may mabuti din. Tulad nalang ng paghanga ng mga tao sakin. Kahit hindi naman talaga ako yung marunong mag-piano o magaling mag-english. Minsan, nagugulat ako na may biglang magpapa-autograph sakin, (kay Natalie yun. Commercial model kasi siya, minsan naman extra sa pelikula. Raket na din para sakin. Dagdag kita.) tapos hindi ko alam kung ano ba ilalagay ko. Kung Karen ba o Natalie o Poncio Pilato.

Nung high school, may muntik nang maka-buko sa’min. Si Mike. Stalker ko. Patay na patay sakin yun. Kahit saan sinusundan ako. Muntik na niya mabisto na hindi lang ako isa kundi tatlo. Isang beses kasi, noong pauwi ako galing eskwelahan sinundan pala ako ng loko, nagulat siya na pagkapasok ko palang ng bahay, lumabas na agad ako. Change outfit na at maarteng pakembot na naglalakad bilang si Natalie. Papunta sa trabaho. Nang biglang lumapit si Mike na sukdulan ang pagtataka.

“Karen? Ikaw ba yan?”

“No, my dear. You’ve got the wrong person. I’m not Karen. I’m Natalie.”

“Natalie?!”

(Sana pala lumabas ako bigla sa parteng to bilang si Karen sabay sabing, “oo Natalie nga! Shunga ka? Paulit ulit? I-record nalang natin. Kapagod eh.”  Sayang.)

“Yes, uhm. I’m Karen’s twin.”

Excuse me, biglang singit ni Janine.

“Actually, triplets kami.”

At saka gumawa ng kapani-paniwalang istorya si Natalie na hindi naintindihan ni Mike kaya oo nalang siya ng oo sabay uwi matapos rumagasa ang dugo mula sa kanyang ilong. Literal! At dahil doon, hindi na niya kami nagawang gambalain kailanman.

SI KAREN.

May 9th, 2012 § 2 Comments

Punuan ang mga bata (may nakakalusot ding oldies) ngayon dito sa BFAB dahil bukas na naman ang enrollment. Kabi-kabilang recital ang naganap kani-kanina lang dahil katatapos lang ng isang semester ay nagbukas na naman kami ng pangalawa.

Ang BFAB nga pala ay nangangahulugang “Born From A Boombox” mula sa paborito naming pelikulang Step Up 3. Ito nga pala ang dance studio namin ng mga barkada ko nung high school. Buhay na namin ang pagsasayaw, at yon ang nagbuklod-buklod samin para matupad ang isang pangarap–ang sumikat.

Anyway, eto ako ngayon. Naglilista ng noisy dahil ang ingay ingay dito! Joke lang. Naglilista ako ng enrollees na nagkakandarapang magpakitang gilas na tingin ko ay kapareho naming lahat ng landas. At habang natotorete pa ang utak ko sa pagii-spell ng mga pangalan nilang hindi ko alam kung saang lupalop ng balat ng kabayo nakuha ng mga nagluwal sa kanila, eh magpapakilala muna ako.

AKO SI KAREN. 

19 years old. Full time working, half time student. Kailangan eh. Matapos kaming iwan ng ama naming walang kwentang sumama sa kabit niya, wala nang iba pang pwedeng magtaguyod ng pamilya kundi ako. Nakakaawa na rin kasi si mother dearest minsan. Simula kasi nang iwan kami ni padir, eh gabi gabi nalang ‘tong umiiyak. “Hay naku, Ma! Hindi na maibabalik ng balde mong luha si itay! Kaya go na, wag na maging EDSA! Mag-move on ka na! Gusto mo ba talagang makatulong sa pagpupuno ng La mesa Dam? Kaloka ka!” -yan ang lagi kong litanya sa kanya. Ang kulit kulit ko daw. Eh mas makulit siya! Ang hirap talagang magpalaki ng magulang! Kaya ako, hay naku! Di ko gagayahin si madir! Wiz ako maiinlove! Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kesa makunsumi sa asawa!

“Hoy anak kong maganda, maganda ka.”

“Alam ko yon, mother, wag mo na paulit ulitin.”

“At balang araw, alam kong kakainin mo lahat yang sinasabi mo ngayon. Mai-inlove ka. Magiging masaya ka. Sa tamang tao, sa tamang panahon.” 

Naalala ko tuloy nung high school; Muse, Prom Queen, Ms. Intrams, Ms. Talent, Ms. University Beauty, lahat yan nasusungkit ko! Ako ata ang pinakamaganda samin dun eh. Aba! Magpakatotoo na tayo noh! Walang nakakasurvive na plastic sa mundo! No joke. Araw-araw may nadadatnan akong flowers, chocolates, maliliit na teddy bear, candies, post-it notes at kung anu-ano pa sa upuan ko. Kaya kung titignan mo ang upuan ko, mukha nang rainbow!! Ewan ko ba sa mga lalaking to, ako lang ba ang babae sa university namin? Nakakaloka.

“Hay, Karen. Nakakainggit ka talaga!”

“Penge naman ng konting ganda!”

Ay sorry! Kasalanan ko bang nagliliwaliw ako non isang araw na may dalang basket nang biglang nagpaulan si Lord ng kagandahan?!

“Ikaw talaga, Karen! Ang kulit kulit mo!” 

Tuwang tuwa naman ako kapag dinedescribe ako bilang “makulit”. Feeling ko kasi kapatid ng salitang “makulit” ang  ”life of the party”. Ibig sabihin, kapag wala ako, nga nga sila. Matamlay at walang buhay. Yung parang sinakluban ng langit at lupa! Pero minsan, pag naririnig ko yon, bigla akong napapabaling sa kanan. At may magsasalitang parang hindi na ako, “ako? Ano po? Makulit? Hala, hala! Hindi ah! Ayoko ayoko!” sabay tatakbo papunta sa CR. Minsan naman, mapapalingon ako sa kaliwa at bubuka ang bibig ko pero parang hindi sakin nanggagaling ang mga binibigkas ko, “Makulit? You know in the place where I came from, we don’t really use insults as a kind of endearment to someone cause that would be really inappropriate..” tapos sila naman ang tatakbo papunta sa CR dala ang duguang ilong.

Wait, baka nalilito kayo. Alam niyo ba yung mga kwento kwento tungkol sa mga taong may multiple personality? Well, hindi lang siya kwento kwento. Yes, may multiple personality ako. Dalawa silang kasa-kasama ko.

Ang isa ay si Janine. Mahiyain at mala-anghel sa bait. Minsa’y may naka-away ako bilang si Karen, sasabunutan ko na sana eh! Nang biglang naging si Janine ako. Ayun, ako tuloy ang nahirapang magsuklay kinagabihan. Ang isa naman ay si Natalie. Ang inglesera kong personality. Mayamang spoiled brat na hindi sanay sa putik at alikabok. “What’s aleekabhook?” banat niya minsan. Kapag may declamation, oration at extemporaneous speech, siya pala ang isasalang ko. Magugulat ang mga teacher ko kasi kapag si Karen ako, balu-baluktot ang english ko. Nagtataka naman ang mga ka-kumpitensiya ko kung pano daw ako gumagaling sa ingles at anong shampoo daw ang ginagamit ko.

Kung tutuusin, mahirap na masarap magkaroon ng ganito. Mahirap dahil minsan kapag may kausap ako, at biglang lilitaw ang isa kanila Janine at Natalie ay maninibago ang kausap ko. Minsa’y madalas akong nasasampal dahil bigla bigla daw akong nawawala sa sarili. Masarap naman dahil iba-iba kami ng talent tatlo, at madalas ay para akong may mga adviser sa loob loob ko na maaring tumulong sakin sa bawat desisyong gagawin ko. TUMUTULONG NGA BA?

COMING SOON.

May 8th, 2012 § 2 Comments

“Oh, you’re a player? Nice to meet you. I’m the coach.”

Ito na. Nabuo na ang konsepto. Nabuo na ang kwento. Ang paglalapat nalang ng mga letra sa pahinang ito ang kulang.

ABANGAN. 

My favorite poem. Pramis.

April 9th, 2012 § Leave a Comment

Once on a yellow piece of paper with green lines
he wrote a poem
And he call it “Chops”
because that was the name of his dog
And that’s what it was all about
And his teacher gave him an A
and a gold star
And his mother hung it on the kitchen door
and read it to his aunts
That was the year Father Tracy
took all the kids to the zoo
And let them sing on the bus
And his little sister was born
with tiny toenails and no hair
And his mother and father kissed a lot
And the girl around the corner sent him a
Valentine signed with a row of X’s
and he had to ask his father what the X’s meant
And his father always tucked him in bed at night
And was always there to do it

Once on a piece of white paper with blue lines
he wrote a poem
And he called it “Autumn”
because that was the name of the season
And that’s what it was all about
And his teacher gave him an A
and asked him to write more clearly
And his mother never hung it on the kitchen door
because of its new paint
And kids told him
that Father Tracy smoked cigars
And left butts on the pews
And sometimes they would burn holes
That was the year his sister got glasses
with thick lenses and black frames
And the girl around the corner laughed
when he asked her to go see Santa Claus
And the kids told him why
his mother and father kissed a lot
And his father never tucked him in at night
And his father got mad
when he cried for him to do it

Once on a paper torn from his notebook
he wrote a poem
And called it “Innocence: A Question”
because that was the question about his girl
And that’s what it was all about
And his professor gave him an A
and a strange steady look
And his mother never hung it on the kitchen door
because he never showed her
And that was the year Father Tracy died
And he forgot how the end
of the Apostle’s Creed went
And he caught his sister
making out on the back porch
And his mother and father never kissed
or even talked
And the girl around the corner
wore too much makeup
That made him cough when he kissed her
but he kissed her anyway
because that was the thing to do
And at three A.M. he tucked himself into bed
his father snoring loudly

That’s why on the back of a brown paper bag
he tried another poem
And he called it “Absolutely Nothing”
Because that’s what it was really all about
And he gave himself an A
and a slash on each damned wrist
And he hung it on the bathroom door
because this time he didn’t think
he could reach the kitchen

OFF TOPIC.

May kwento ako. Sa kasagsagan kasi ng paghahanap ko ng blogs ng kapwa pinoy, nabasa ko to. I quote, “Kung ikaw ay isang manunulat at ikaw ay sinabihan ng “isa ka lang malabnaw na tinta” (halaw sa gawa ni Rose Jabiguero), ito na marahil ang pinakamasakit na insultong pwede nilang isumbat sa iyo. Sa umpisa pa man, inaamin ko na, isa lamang akong patak ng malabnaw na tinta…na hinalo sa isang basong tubig kung saan ako’y naroroon ngayon.” At nainspire ako bigla. Wag nang itanong kung bakit. Its for me to know and for you to find out. Mehehehe. Abangan niyo wa kwenta kong story. Labyu ol! ;)

Best things in life (c) Tootsie Roll

March 9th, 2012 § 1 Comment

Wala nang paligoy-ligoy pa.

  1. Buffet breakfast
  2. TEMPURA!
  3. Hugs
  4. Laughing until you cry
  5. Last day of school
  6. Midnight snacks
  7. Starbucks in the morning
  8. Rest days
  9. Great teeth
  10. Looooooooooong phone calls
  11. New songs on iPod
  12. Good morning/night kisses
  13. To be someone’s inspiration
  14. When someone’s happy because of you
  15. Falling in love with the right one
  16. Overhearing compliments about you
  17. Sleepovers
  18. The feeling after you sneeze
  19. Holding hands
  20. Proud parents
  21. Going to Paris
  22. FREE FOOD!
  23. Laying on the grass watching the clouds
  24. Long drives/trips
  25. Great best friends
  26. Peaceful heart & mind
  27. Travelling!
  28. Watching the sunrise & sunset
  29. Waking up beside the person you love
  30. Perfect weather

Karas

January 29th, 2012 § 2 Comments

Sabi ni Mareng Google, it is a temporary infatuation. Edi sinearch ko kung ano ang kahulugan ng infatuation. “the act of a foolish, unreasonable attraction”. Foolish daw. LAKAS!

Sa ngay0n, wala akong maituturing na ganito.  Ewan ko ba. Ang hirap kasi humanap ng “matinong” lalaki. Ang hirap naman magka-crush kapag may girlfriend na, kasi syempre, wala lang. Bawas pag-asa. 99% na hindi talaga pwede, pero kumakapit ka sa 1% na posibilidad na kahit katiting lang, kahit slight lang, ma-kyutan siya sayo.

But let’s deal with reality. Tutal, eto naman ang mortal nating kaaway sa lahat ng bagay. REALIDAD. Sampalin mo yung sarili mo ng 10 times para matauhan ka. Hindi kayo bagay. Hindi kayo pwede. Bawal ka pang mag-jowa. Ayaw niya sayo. May iba siyang gusto. Lolokohin ka lang niya. Hindi siya deserving. Sa tingin mo pag naging kayo, ilang minuto ang itatagal ng relasyon niyo? Kasi complicated kayo pareho. Nakakaiyak ang realidad. Sa totoo lang, hindi lang sa lovelife, kundi pati sa tunay na buhay, nakikipag-espadahan ako kay realidad sa lahat ng opurtunidad na dumadating sa akin sa araw-araw. Ang dami ko nang pinalampas dahil sa kanya.

Balik tayo sa punto ko. Pano mo ba malalaman kung ‘crush’ mo na yung isang tao? At pano mo rin malalaman kung ‘crush’ ka ng crush mo. Eto ang ilang pointers:

  • Hindi siya makatingin sa mata mo. Period, no erase. Maiilang sayo ang isang tao, kung may tinatago siyang feelings sayo. Yun na!
  • Kapag dumadaan ka sa harap niya, mas una pang kinikilig yung mga kasama niya kesa sa kanya. PRAMIS.
  • Crush mo ang isang tao kung sa bawat punto ng buhay mo, sinasama mo siya. I mean, kunyari magma-mall ka, iisipin mong gusto mong kasama mo siya. Hindi, hindi pa mahal yon. Kasi pag mahal mo na, gagawin mo na ang lahat para makasama siya.
  • Isang ngiti niya lang masaya ka na. Makasabay mo lang sa hagdan, buo na araw mo.
  • Naiinis ka kapag may kasama siyang iba. Kasi gusto mo ikaw yun.
  • Gagawin mo ang lahat makilala lang siya ng lubos. As in lubos! Pati ang pagre-research mo sa internet tungkol sa kanya, at sa background niya, LUBOS!
  • Kukuntyabahin mo ang mga kakilala mong kakilala din niya na magpa-kwento tungkol sa kanya. O kung baliw na baliw ka na, kakaibiganin mo yung mga taong kasama niya palagi para malaman mo kung anong ginagawa niya 24/7.
  • Sa mga babaeng may gusto sa torpeng lalaki, ito ang palatandaan na baliw na baliw siya sayo. HINDI KA NIYA IA-ADD SA FACEBOOK. HINDI NIYA KUKUNIN ANG NUMBER MO. IIWASAN KA NIYA TUWING NANDIYAN KA. Kasi ayaw niya nang masyadong mabilis. Hihintayin niya yung tamang oras kasi gusto niya solong solo ka niya. Kaya ang lalabas, ikaw ang naghahabol sa kanya kahit na siya naman yung baliw na baliw sayo. Kaya kadalasan, yung mga ganitong lalaki ang nauunahan. At ang mga babae, nababagalan sa kanila. Kaya ang tendency, magfa-fade yung feelings. Tapos!
  • At para naman sa mga lalaking hindi alam kung ano na ba talaga ang real score ng babaeng natitipuhan niya, ito ang signs na over da bakod na ang pagkagusto niya sayo to the highest level!  HINDI SIYA ANG UNANG MAGCHA-CHAT AT MAGTETEXT SAYO KASI AYAW NIYANG MAGMUKHA SIYANG NAGHAHABOL SAYO (pero yun naman talaga ang totoo). AYAW NIYA RIN NA LUMALAPIT SAYO, SA PAREHONG RASON NA AYAW KA NIYANG ITEXT BLAH BLAH KUNYARI MARAMI AKONG SINABI. Baliw sayo ang babae kung may picture ka sa cellphone niya. Kahit stolen, kahit nakatalikod pa. (di mo lang alam, bago siya matulog, kinakausap niya yun!) Maiinis siya sayo at di ka niya papansinin ng walang dahilan. I repeat, WALANG DAHILAN. As in, wala lang. Kasi gusto niya mapansin mo siya. Pabida lang. At kung magkamali kang hindi siya pansinin sa pagpapapansin niya, naku! Dedbol ka na. Minus 50 pogi points!

Maraming mukha ang crush. At halos lahat ng ito, nagpo-pokus lang sa pisikal na katangian. Karamihan din, naging crush lang dahil ang galing galing sa Math, Science, Arts, Sports, Music etc. Pero sa panahon ngayon, ang dahilan ng ligawan ay nakapaloob sa isang salita lamang. Na nagsisimula sa letrang L. Apir tayo kung gets mo ko.

Kaya sa mga may crush, feeling crush ng bayan, naghahanap ng crush, in-love, malapit ng main-love, hindi sigurado sa love, ano ba ang love (?), at love moves in mysterious ways, Hi! Mag-ingat po tayo sa mga taong mapanlinlang. OKAY LANG PO MAGING BITTER. Kung nasaktan ka talaga, bitter is better! Lalo kung pinagpalit ka sa iba? Sapakin mo muna tapos pakainin mo ng ampalayang hilaw!

MAGANDANG ARAW! :-)

Isa ka bang capital C?

October 26th, 2011 § Leave a Comment

Uso ngayon ang mga kwento, palabas at pelikula tungkol sa pangangaliwa, panggagantso, panloloko and all of the above. Patok sa masa kasi nga totoong nangyayari, nage-exist within sa society. Pero ayaw nating nangyayari to sa atin. Tama diba? Eh bakit tinatangkilik parin natin? Bakit kailangan nating panoorin ang mga ganitong klaseng istilo ng entertainment kung kinasusuklaman natin ang mga gaya nito? JOKE! Ang totoo nyan, tuwang tuwa po ako sa No Other Woman at Nasaan Ka Elisa!

Isa ka bang capital C? Nagpapaiyak ng milyon milyon? Dahil may itsura ka? Dahil malakas ang sex appeal mo? Dahil feeling mo kaya mong makuha lahat ng gusto mo? Nang-iiwan ng jowa dahil may pinag-iinitang bago? Dahil inaatake ng kung ano anong kati sa katawan? Eh isa ka ngang C. Cira ulo. (okay, last joke ko na po yan) Cheater. 

*Ang post na ito ay galing sa  naka-baul kong blog na gumagana parin hanggang ngayon. (akalain mo yun? may mga bagay pala na kahit iniwan mo na, naghihintay parin ng pag-asang babalikan pa) So eto na nga. TAKPAN ANG MATA NG MGA BATANG MAMBABASA.

Rated PG, Patnubay at Gabay ng magulang ay kailangan. 

Pahabol Sulat: Hindi ako ang manunulat ng akdang ito. Thank you. :)

 

STICK TO ONE. Masarap makilala as stick to one, try niyo maging, one of the best compliments ever!

Kapag ikaw, may pagtingin ka pa sa ex mo, wag ka munang magpaka-attach sa panibago. Automatic REBOUND ang bago mo! Utang na loob! :) ) Alam mo yung 3-month rule? USO YUN! Sa 3 months na yun try mong maging SINGLE.. Yung as in wala ka munang kiber sa kahit na sinong opposite sex, may commitment man o wala basta putangina 3-month rule sabi eh!

Okay sabihin na nating wala ka nang pagtingin, pero gusto mo pang pagtripan, papampam ka, tantanan mo na siya lalo na kung ikaw naman ang dahilan ng break up ninyo. Tapos may bago ka na, o kaya may bago na siya, basta nagmmove on na ang isa. Spell the word H-I-Y-A!

BEST FRIEND. BES. BEST. BESZ. BEZ. BESH. PUTANGINA WHATEVER YOU CALL IT. There’s no such thing as best friend. Oh walang kokontra, applicable lang naman to sa mga taong alam na ngang may malisya sa kanilang sariling so-called best friend ayaw pang aminin kahit mismo sa sarili nila. Apir tayo kung may kilala kang ganito ang sitwasyon! Ganito kasi yan, si girl at si boy may sari-sarili silang jowa, pareho silang committed kaya dinadaan nila sa BES SHIT para hindi halata. Hainako ang dami kong kilalang ganito! :) ) Kung alam niyo lang, yung mga jowa niyo maytinatagong selos sa mga bes niyo! HAHAHAHA. Hindi sila tanga, nakakaramdam sila. DUH.

Hmmm, what else. Sige iba pang sitwasyon, maraming mukha ang cheating eh! KABIT. Magpapakakabit ka habang favorite mo ang kantang Kabit ni Gloc-9 ganun ba? Haha! Wag kanang kumabit sa may commitment na, kahit na sabihin mong gusto rin niya, eh kabit ka nga lang eh.Panira ka lang. Kayo namang mga adik, wag na kayong magkaroon ng kabit, para naman kayong walang girlfriend/boyfriend na tao eh!

SAMANTALAHIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. GRAB EVERY OPPORTUNITY. Hay nako marami din akong alam na ganitong kwento ng buhay! Pareho silang committed, kaya naman kapag may pagkakataon silang makawala sa mga jowa nila, magkikita at magkikita yang dalawang yan tapos magdedate, magmomoment, magffeeling magjowa, and all that. Pwede ring isa lang ang committed sa kanila, basta bawat pagkakataon di nila palalampasin yan pramis! :) )

INUMAN. “Bhe, lasing lang ako.” FUCK YOU! Isa pa, FUCK YOU! :) ) Ieexplain ko pa ba to? Sige sige. In my YEARS of drinking alcohol, I’ve tried many kinds of alcoholic beverages. DUDE, kahit may amats ka alam ko at alam mong imposible na 0% ang awareness mo sa pinaggagagawa mo. There’s still something inside of you na alam na mali ang gagawin mo pero dahil psychologically speaking, iniisip mong nakainom ka, kaya GO KA LANG! In the first place, hindi ka rin dapat nakikipag-inuman sa kung kani-kanino lalo sa mga HOT. Or else gusto mong patayin sa nerbyos at pag-aalala ang jowa mo.

Para sa mga lalaki, “Lalaki ako, I have my needs!”. LINTEK KA, hindi girlfriend ang kailangan mo. SEX is one of the biggest aspects in cheating. Oh well, pwede rin pala sa mga babae ito. Ganun na ang henerasyon natin ngayon.

LIWALIW. You’re just having fun, when the cat is away, the mouse will play. Mahal mo siya kapag nandyan siya, kapag hindi mo siya kasama automatic single ka. Parang ayaw mong palampasin lahat nang isda sa dagat.

EXTRA SIM. 2ND YM ID. ETC. ETC. ETC. Cheater ka kapag meron kang medium of communication na tinatago mo sa jowa mo. Oh ano? Ganun ka ka-desperate na makausap kung sino man yung kinakausap mo nang patago? HAHAHA. Aminin natin yan may mga gumagawa nito. :) )

EMPTY INBOX. NO SENT ITEMS. MARK ALL, DELETE. MARK, DELETE. Lahat man o pili lang na messages, bago ka makipagkita kay jowa dinidelete mo na ang mga mushy bullshit sweet nothings niyo ng “iba” mo. Hainako halata parin yan noh! Marami nang nagbreak or nagworld war 3 dahil sa cellphone! HAHAHA! Kasi naman, kung magbubura kayo, siguraduhin ninyong simot, minsan may natitira eh! Hahaha! Cheater kana nga lang di mo pa galingan diba! HAHAHA! (Sabay bigay ng advice na wag magpahuli eh noh!)

Nauubusan nako, sa dami ng tumatakbo sa isip ko kanina parang I can’t put them into words. Kahit medyo barubal pagkakasaad ko ng mga dakilang halimbawa, alam kong getching na getching niyo yan! AH BASTA..

NO TO CHEATING!

  • SINO AKO?

  • Bawat tao may amazing stories. May pang-Ripley's Believe it or not. Ito.. ang akin.
  • Twit twit sabi ng ibon

    Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

  • PETSA NA ‘TE?

    June 2012
    S M T W T F S
    « May    
     12
    3456789
    10111213141516
    17181920212223
    24252627282930
  • COMPOST PIT

  • TURO TURO

  • POPULASYON

    • 3,776 naligaw
  • WORDS I LIVE BY:

    “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu-ano ang sabihin ko hindi na nila mahahalata. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko." - BOB ONG
  • BAYAN NI JUAN

  • UMAYOS KA!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.